Log in

View Full Version : Maiba naman ng topic... 40" LED TV going to Pinas


BoyMalambing
06-30-2012, 05:30 AM
Mga Kabayan,

Maiba lang ako...
May nakapag-uwi na ba sa inyo ng 40" LED, LCD, PLASMA sa Pinas.
Nakakalusot ba sa custom, uwi kasi ako ng Dec. at plan ko icheck-in baggage yung LED ko...

Advice will be highly appreciated:headbang::headbang:

d"A"
06-30-2012, 09:20 AM
magandang katanungan yan..^^... may babayaran ba kapag sinama mo sa check-in bagagge ang 32"? pasok ba sa dimension requirements ng airlines ng saudia or cathay? safe ba kung i check in mo as baggage?... If ever nman shipment, di ba masisira ang tv if gnitong hot season mo i cargo?

BoyMalambing
06-30-2012, 09:30 AM
In regards sa shipment, di namn masisira basta ipapa-crates mo(250SR ata sa SkyFrieght) tapos bayad ka 80SR na insurance for safety.

32" pwede daw di sisitahin sa custom..... pasok sya sa SAudia at company check-in lagyan mo lang ng Fragile Sticker...

d"A"
06-30-2012, 09:42 AM
concern ko po kasi sir if shipment is yung mga electronic components nya...since hot na hot ang weather ngayon eh, baka mag kaapekto sa circuits ng TV.... twag ako ng skyfreight para mg verify...

BoyMalambing
06-30-2012, 09:52 AM
Nag-paship na ko dati ng 32 inch LCD sa skyfreight. ok naman... by Oct. Last week ko pinaship dumatingng Dec. 1st week

xtremist
07-01-2012, 03:01 AM
kagagaling ko lang ng bakasyon, ang dami nating kababayan na nag uwi ng malalaking LCD,LED,Plasma TV sa atin, ang pagkaka alam ko, hiwalay ang cargo nun kapag naka check in baggage kc huling lalabas ang mga ganitong bagahe sa NAIA, d ko lang natanong sa Custom kung may bayad ba o wala, nakalimutan ko nga, sayang, plan ko din mag uwi eh.

charlieXX
07-01-2012, 03:35 AM
32 inches above ang customs duties is 8,000 pesos and up depende gaano ka-gahaman yung naka-duty that day

d"A"
07-01-2012, 04:21 AM
32 inches above ang customs duties is 8,000 pesos and up depende gaano ka-gahaman yung naka-duty that day

:laughabove::laughabove::laughabove:

xtremist
07-02-2012, 11:19 AM
kakatanong ko lang...32" bago or used pwedeng pwede pumasok, kapag mas mataas sa 32", kung gustong walang bayad, dapat used na for about 6 months plus ipapakita invoice...kapag bago, asa 10% daw ng total amount ang babayaran... do the math nalang po kung san kayo makakatipid...

BoyMalambing
07-03-2012, 04:23 AM
@xtremist, Saan mo naitanong????

charlieXX
07-03-2012, 05:59 AM
10% of the value of which one the invoice or the prevailing market value in the Phils? at saka anong ruling ito or EO man lang to show proof pagka nasa airport ka na at ayaw kang paalising with your spanking brand new LED na kinaiinggitan ng mga taga customs, celphone nga eh tinitira LED/LCD tv's pa kaya mahirap yan tol isugal kung wala ka rin lang hawak na official document.

IMHO ipabagahe ko na lang ng patago safe pa.

xtremist
07-04-2012, 02:24 AM
@xtremist, Saan mo naitanong????

d2 sa travel department namin...

xtremist
07-04-2012, 02:27 AM
10% of the value of which one the invoice or the prevailing market value in the Phils? at saka anong ruling ito or EO man lang to show proof pagka nasa airport ka na at ayaw kang paalising with your spanking brand new LED na kinaiinggitan ng mga taga customs, celphone nga eh tinitira LED/LCD tv's pa kaya mahirap yan tol isugal kung wala ka rin lang hawak na official document.

IMHO ipabagahe ko na lang ng patago safe pa.

tama ka Charlie, actually, wala daw ruling (i don't know either) ang sabi d2 e protection daw kc yun sa mga cargo companies kc kapag libre daw na maipapasok sa atin ang mga new electronics eh walang kikitain ang mga cargo companies, 10% ng invoice ng pinagbilhan nyo ng bagong TV kukunin ang tax, ang sabi sa akin, maghanap ng lumang kahon or better dumihan at sira sirain ng kaunti ang carton para mukhang luma na para wala ng sita sita, karamihan sa mga nakasabay ko, medyo mukhang luma kahon nila pero for sure bago ang unit nila.:headbang:

charlieXX
07-04-2012, 04:09 AM
Oo tol pero as per speaking on my own experience eh muntik na ako sa mga hinayupak na yan. The scenario was may bitbit akong 3 laptops, ang siste eh over daw ako sa quota quota system ng kung sinong ogag na naka imbento nun, then bakit 3 daw cp na dala ko puro used naman pero hindi cheapo type sagot ko eh used yan at personal ko aba eh dine-delay delay ako..........sa pinas tol "it is not what you know, it is WHO YOU KNOW" tawag ako sa AVSECOM at ayun lumabas ako ng airport na may escort na dalawang airport security sila pa naghatak ng bag ko pababa ng parking mga buwiset yan.

tama ka Charlie, actually, wala daw ruling (i don't know either) ang sabi d2 e protection daw kc yun sa mga cargo companies kc kapag libre daw na maipapasok sa atin ang mga new electronics eh walang kikitain ang mga cargo companies, 10% ng invoice ng pinagbilhan nyo ng bagong TV kukunin ang tax, ang sabi sa akin, maghanap ng lumang kahon or better dumihan at sira sirain ng kaunti ang carton para mukhang luma na para wala ng sita sita, karamihan sa mga nakasabay ko, medyo mukhang luma kahon nila pero for sure bago ang unit nila.:headbang:

d"A"
07-04-2012, 05:11 AM
Hi po mga sir...Kakatawag ko lang po sa Sky Freight. Grabe naman pala ang tax ng TV kung AIr Cargo... Fix 22kPHP (according sa agent n nakusap ko from the shipping company).... sa Sea Cargo naman, so far medyo mabigat kung sila ang mag crate 250 SR + weight ng tv & crate + 46SR insurance + ladding fee... any other Shipping company na pwede ninyo i suggest? kinakabahan akong mg pa cargo baka ibato he he he he ^^

charlieXX
07-04-2012, 05:27 AM
Sea cargo is the way to go, no other way.

Gusto mong hindi maibato, lagyan mo ng dumbells yung loob mga 100kgs tignan ko kung maibato nila he he he

Hi po mga sir...Kakatawag ko lang po sa Sky Freight. Grabe naman pala ang tax ng TV kung AIr Cargo... Fix 22kPHP (according sa agent n nakusap ko from the shipping company).... sa Sea Cargo naman, so far medyo mabigat kung sila ang mag crate 250 SR + weight ng tv & crate + 46SR insurance + ladding fee... any other Shipping company na pwede ninyo i suggest? kinakabahan akong mg pa cargo baka ibato he he he he ^^

d"A"
07-04-2012, 05:31 AM
ahahahahaha...ako mababato ni Misis sa bigat ng presyo nun ahahahaha....

elg3ne
08-13-2012, 02:03 PM
Mga Kabayan,

Maiba lang ako...
May nakapag-uwi na ba sa inyo ng 40" LED, LCD, PLASMA sa Pinas.
Nakakalusot ba sa custom, uwi kasi ako ng Dec. at plan ko icheck-in baggage yung LED ko...

Advice will be highly appreciated:headbang::headbang:

Update ko lang po ito... last December 2011, naguwi ng LED 32" yung father ko, walang tax na binayaran at according dun sa custom na nagcheck ng bagahe nya, up to 40" ang pwedeng iuwi ng OFW na walang babayarang tax every year. Note also that if you check-in your LED... kahuli-hulihan po sya inilalabas sa conveyor nung mga airport staff.

At isa pa po... usually tuwing December naga-announce ang bureau of customs na free of tax ang isang electronic item such as TV na iuuwi ng mga OFW. Better yet, check their website for any news or announcement or email them directly 2 months before bago ka umuwi para kung wala man silang announcement eh pwede mo pa din ipa-sea cargo as suggested by our friends =)

xtremist
08-28-2012, 03:30 AM
iba iba ata ang pagkaka alam natin sa customs sa pinas, meron mga naka lusot at para sure, paki basa po ito :

http://customs.gov.ph/faqs/privileges/

charlieXX
08-30-2012, 07:38 PM
tol it is dependent on their GREED LEVEL for the day kung lulusot or tatablahin lahat mahirap