Mga bro's, meron na tayong mapupuntahang shop kung saan pwede tayo mag mini meet, mag DIY, under chassis check (lifts available), muffler change, change oil, filter, hand brake adjustment, brake pads check/cleaning, wheel rotation, engine washing, etc. ...lahat na yata basta related sa auto.
Big thanks to MIKE n BONG, latest members of YWME-Central.
Duon kami kahapon (Me, duke, pilyo n syntax) just to check the place @ the same time pa check na rin ni duke si storm since magpapa MVPI sya. Na modify rin ang mga HOOD namin (me n pilyo)... di na TUKOD system!
hehehe (pics later). ni re-install din ang muffler ni pilyo, "storm" had a brake cleaning and hand brake adjustment: update mo na lang kami bro.
Hindi pa nakuntento itong si mike inengine wash pa isa-isa mga yaris namin, pang showroom ang dating sa linis ngayon!
Pwede na natin gawin dito ang basic maintenance sa mga auto natin, advice lang ni mike dala na lang tayo ng mga gagamitin (oils n filter, etc.) at sya na ang gagawa. Open tayo dito every friday for servicing at kung anung gusto nyong gawin sa yaris nyo, inform lang natin si Mike ahead of time, okay guys?
Sa damages/labor na gagawin nila... napag-uusapan naman yon.