Gud Day mga Bro's - Kayaris! Sinimulan ko na ang thread na ito sa dahilang nabanggit ang GRAND MEET sa mga posts natin, Riyadh & Al Khobar members. Nakakahiya man kay treb na nasa YANBU naman. Well, parating ang RAMADAN start sya 11Aug. till Sept. 11 (this are tentative dates). Meron ba tayo lahat holiday sa RAMADAN EID? Sana pare-pareho din tayo, especially tayong mga taga Riyadh, kung tayo ang bibyahe sa Al Khobar. Teka sino nga ba? Sila o Tayo?
Going back, kung meron mang holiday kailangan nating malaman ang sked ng bawat isa, saka tayo mag plano kung kailan. Ito ay pre- planning lang naman, we cannot please everybody here. Palagay ko kailangan nating pag usapan kung gusto nating matuloy itong GRAND MEET nating sinasabi. In my case, may plano talaga kasama ang pamilya ko with some school family friends, may private pool daw dyan san ba yun mga Sir?
That will be sa Ramadan Eid, wala pa ring exact date.
Anyway we still have time to think, minsan yung pina plano, yun pa ang di natutuloy. Pero sana...sana... like we said MASAYA ito, and this time marami na tayo out of town pa. Thanks in advance, stay safe!